Eksena sa daanan.

Naiisip ko lang naiipost ko kaya ung mga nakakatawa or nakakalokang eksena nakikita ko sa daan. Habang nglalakad ako kanina papauwi sabi ko parang maganda nga ito. So ito ung nasaisip ko kanina. Mga bagay na feeling ko kakaibang ngyayari sa daan.

(not  in a particular date and time. Basta ung naalala ko lang ha.)

1. EKSENA #1: Medyo gabi na naglalakad ako pauwi ng may sumigaw na babae. Noong una hindi ko siya maintindihan kasi parang nagwawala. Maya-maya nung papalapit na ako sa kanila kaya pala sumisigaw ung babae dahil caught in the act ang asawa na may ka date sa Basketball court. Imagine nyo mura at palo ang inabot nung asawa. Hindi ko alam kung matatawa ako or maaawa sa lalaki eh. (nagpahuli kasi! :P)

2. EKSENA #2: Minsan talaga pag naglalakad akong magisa hindi ko na pinapansin ung mga nasa paligid ko. Hindi ko namamalayan tintawag na pala ako nung kakilala ko or kulang nalang eh hatakin ako. (Isnabera daw kasi ako pero hindi naman). At minsan pa kahit ata saan ako magpunta lagi akong may nakikitang kakilala. haha.

3. EKSENA #3: Isa sa pinaka worst na nakita ko sa daan eh OVER PDA!. Alam nyo un ung kulang nalang kama. OMG! hindi na nahiya hindi ba. Hindi ko na eelaborate kasi medyo sensitive na un.

4. EKSENA #4: Siguro etong eksena na ito ung naawa ako kasi may nakatabi ako ng girl na may malaking pasa sa braso i guess binugbog sya and ung aura niya parang naiiyak na malungkot na ah basta ganun aun feeling ko lang naman binugbog pero aun lang naman tingin kong reason kaya siya may pasa. 😦 Kawawa naman ang girl.

5. EKSENA #5: Mag memeet kami nung mga high School friends ko. Sumakay ako ng jeep then maya-maya may sumakay na babae. Ang lakas ng boses niya at parang may problema ata sa pag-iisip niya. Ayun tama nga ako. Nakakatawa lang kasi naiinggit siya sa kulay ko pati sa slippers kong leopard skin hahaha. Tawa nalang ako ng tawa sa jeep. Imagine pati baliw nainsecure sa akin kaloka.

6. EKSENA #6: Pinaka worst ata itong experience ko kasi napapansin ko na sa tuwing sasakay ako ng jeep at nakaupo sa dulo eh lagi tong ngyayari. hindi ko alam kung bakit. Ganito kasi yun. May mga pasaherong bigla biglang bumababa eh halos naandar pa ung jeep. Katulad nalang noong nakaraang kasi bababa na ung lalaki eh medyo naandar pa ung jeep ayun tumalon at halos natumba sa kalsada. Ang swerte kasi walang nakasunod na sasakyan dahil kung hindi baka nasagasaan na. Sumigaw ung driver sa sobrang takot eh. At ilang beses din na ngyari un hindi ko alam kung bakit.

 

So far eto palang naalala ko update ko nalang pag meron ulit 🙂 OMG! 😀

 

 

Advertisements

Leave a Reply. Thanks Dear ;)

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s